Ano Ang Ibat Ibang Uri Ng Maikling Kwento

Ano ang ibat ibang uri ng maikling kwento

May siyam na uri ng maikling kuwento:

1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

3. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

4. Sakwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.

9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.


Comments

Popular posts from this blog

You Add 7/3 Tablespoons Of Olive Oil For Every 8/6 Tablespoons Of Balsamic Vinegar To Make 44 Tablespoons Of Bread Dip. How Much Olive Oil And Balsami

Where And In What Forms Is Water Available On Earth?